Sigh...
gotta love it.
non-permanence

my.school.in.beantown
my.multiply



Wednesday, October 06, 2004
Nyeta! Haha. Ang tagal na talaga.. AS IN GRABE.
Hindi ko na alam kung ano'ng accent ang nakukuha ko sa dami ng pwedeng pagpilian dito.

Whassup whassup y'all? We all doin fiiiiine.

Or maybe:
Whatcha'll doin?

Or just go with:
Like, ohmigod, how ARE you??

Minsan, gusto ko nalang tumawa dahil nadudulas ako.. like, "Naku, pano na yan?? Oh nO!" or pa g may sinasabi yung kasama mo about this thing and you resist the urge to say: "Wait lang ah... please, ako muna!" .

Or simply resist the urge na mambara.... "Eh ano ngayon?" or "Badtrip ka ah" or even "Tangina, ang kapal ng mukha mo ah!" (And I rarely curse back home)

Iba talaga kung hindi mo na kelangan pag-isipan pa ang sasabihin mo, na hindi ka maconscious sa grammar. Ang weird minsan dahil nasasanay ka narin na hindi magtagalog..na parang kelangan mo i-erase yung mga sinusulat mo kasi hindi mo naman kelangan isulat yun ng straight English dahil Pilipino yung pagbibigyan mo.

Nakakapraning lang minsan. Baka pagbalik mo sa Pilipinas hindi mo na matanggal yung pag-Ingles ingles mo. Nakakairita pa naman ang mga ganung tao.. Back in the States..When I was in Boston.. oh FALL season was terrific..blah blah. Hoy dong! Asa Pilipinas ka na!

Nakakatawa rin minsan dahil lalapitan ka ng mga tao.. at kung ano ano pinagsasabi. Hindi ka naman Espanol, Hapon o Intsik. Bibili ka lang ng pizza..

"You Spanish?"

"No, I'm not Spanish." Grabe ang expression sa mukha nung mama. I swear. Para atang lahat ng mukhang Hispanic na babae sa mundo na kulot eh dapat hindi ikahiya ang pagiging Spanish. Hindi po manong.. Pilipino po kasi ako.

"Ah, Pilipino! Ka-musta ka?"

Ngiti ka nalang. "Okay lang po."

Nakakatawa talaga mga tao minsan. Kung nakatira ka sa melting pot city eh hindi mo na alam kung sino ang sino at kung ano ang ano.

Shucks. Gutom nako. Tinatamad ako magluto!

Oh well.. towel, vowel, carousel (sa Enchanted Kingdom!)

Labo. Haha.

Sige, balik nako sa aking libro. Sana mataas grade ko sa paper.

Nasusuka ata ako. Bleah.

Peace out.







mades [ 11:58 AM ]
1 happy lost cabbages